Ping. Lacson

Sen. Ping: Maliit na tao, negosyante ramdam ang katiwalian

252 Views

IGINIIT ni Sen. Panfilo Lacson na nararamdaman ng mga maliliit na negosyante at karaniwang mamamayan ang epekto ng katiwalian sa pamahalaan.

Ayon kay Sen. Lacson, dapat tiyakin ng pamahalaan na ang kampanya laban sa katiwalian ay umaabot sa mga maliliit na negosyo at mamamayang araw-araw nagbabayad ng buwis, hindi lamang sa mga malalaking kompanya na may koneksiyon sa gobyerno.

“I couldn’t agree more with the business sector,” ani Lacson, kaugnay ng resolusyong nilagdaan ng 34 business groups na nananawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kumilos laban sa katiwalian.

Binanggit ni Lacson na ang mga karaniwang Pilipino—tulad ng sari-sari store owners, vendors, drayber ng traysikel, at freelance workers—ay may buwis na binabayaran kagaya ng mga malalaking negosyo ngunit wala silang sapat na boses para ipaglaban ang pananagutan ng gobyerno.

Bagama’t sinusuportahan ni Lacson ang mga panukalang ito, iginiit niyang ang epekto ng katiwalian sa mga proyekto ng imprastruktura ay higit na nararamdaman sa mga komunidad na walang maayos na kalsada, drainage, o palengke.

Ipinaalala rin niya ang kaniyang privilege speeches na tumalakay sa umano’y katiwalian sa mga flood control project, kabilang ang pagsusugal sa casino gamit ang pondo ng bayan.

“Lowering our guard, and worse, forgetting after reaching this far in terms of awareness and inciting public anger is no longer an option,” ayon sa senador.