Calendar
Inihayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na layunin ng Kamara de Representantes na mapalapit ang pamahalaan sa taumbayan sa pamamagitan ng pag-akma ng agenda nito sa mga prayoridad na inilatag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA).
Kuha ni VER NOVENO
Speaker Romualdez dineklara bagong era ng transparency, pananagutan sa gobyerno
INANUNSYO ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagsisimula ng bagong yugto ng transparency at public accountability sa paggawa ng badyet, at nangako na isusulong na maging bukas sa civil society observers ang bicameral conference committee (bicam).
Sa kanyang talumpati sa sesyon ng 20th Congress ng Martes, sinabi ni Speaker Romualdez na pangungunahan ng Kamara de Representantes ang pagbabago sa paggastos at pagbabantay sa pondo ng bayan.
“Ang bawat pisong ninanakaw ay isang pasyenteng di nagamot, isang estudyanteng ‘di nakapag-aral, at isang proyektong di natapos,” pahayag ni Speaker Romualdez.
“We will seek to open the bicameral budget conference to civil society observers—a historic first. Because transparency is not just a value; it is a weapon against corruption. This reform will not only earn public trust but will also strengthen inclusive and participatory governance,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Binigyang-diin niyang magiging bahagi ang mga public watchdog ng lahat ng yugto ng deliberasyon ng pondo—mula komite hanggang plenaryo.
“We will allow the participation of watchdogs in all levels of budget deliberation—from committee hearings to plenary sessions,” sinabi ng Speaker.
“Hindi lang natin bubuksan ang Kongreso para sa mga mamamayan na magbabantay ng badyet. Mapapanood din ang lahat ng diskusyon sa telebisyon at mga social media platforms,” aniya.
Inihayag din ni Speaker Romualdez ang mas pinaigting na aksyon laban sa kabagalan, pag-aaksaya ng pondo at kapabayaan sa burukrasya, sa pamamagitan ng mas agresibong oversight ng Kongreso.
“We will strengthen our oversight functions and conduct mid-year performance reviews of agencies. Those who delay, hoard, or waste public funds will be called out,” babala ni Romualdez.
Babala pa niya na hindi na basta-basta maipagkakaloob ang mga alokasyong badyet, kundi ibabatay ito sa performance. “Departments must earn their budgets—not just request them,” aniya.
Bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na harapin ang korapsyon sa serbisyo publiko, tiniyak ni Speaker Romualdez ang buong suporta sa agenda ng reporma ng Pangulo, habang pinaninindigan din ang pagiging independiyente ng Kamara sa paniningil ng pananagutan.
“We heard the President’s SONA. We take to heart his call—his frustration, even—about the lingering shadow of corruption in our institutions,” aniya. “As Speaker, I share his concern. And I accept his challenge—not with defensiveness, but with determination.”
Inanunsyo rin ni Speaker Romualdez na magsasagawa ang Kamara ng komprehensibong pagsusuri sa mga proyekto ng imprastruktura at implementasyon ng pondo upang matukoy ang mga sistemikong kahinaan at kakulangan sa polisiya.
“That is why the House of Representatives will launch a comprehensive congressional review of infrastructure projects and fund implementation,” pahayag ni Romualdez.
Tututukan ng pagrepaso ang mga sumusunod: “Ghost projects, bloated contracts, chronic underspending, and abuse of discretion in fund realignment and procurement,” aniya.
Nangako rin si Romualdez na maghahain ng mga panukalang batas na magpapatibay sa pampublikong pagbabantay, real-time monitoring at mahigpit na accountability standards para sa lahat ng ahensya at kontratista.
“We will propose new legislation to require:
• Real-time public reporting of project progress and fund use,
• Mandatory compliance with performance standards by contractors and agencies, and
• A national infrastructure audit framework to prevent misuse of public funds,” paliwanag niya.
“The House will take the lead in shaping stronger public accountability mechanisms—because good governance is our duty, not just our defense,” dagdag pa ng Speaker.
Sa pagtatapos ng kanyang pahayag, iniwan ni Romualdez ang isang matibay na paalala sa moral na tungkulin ng Kongreso sa taumbayan:
“Ang kaban ng bayan ay hindi dapat ninanakaw, hindi dapat sinasayang. Ito ay para sa mamamayan—bawat sentimo, bawat proyekto, bawat serbisyo.”
“We are not here to cover up. We are here to clean up,” ani Speaker Romualdez.

