Calendar
Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez
Speaker Romualdez: ECP patunay ng layunin ni PBBM na bigyan ng kapangyarihan mga guro
INIHAYAG ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Sabado ang kaniyang buong suporta sa Expanded Career Progression (ECP) System ng Department of Education (DepEd) para sa mga guro.
Inilarawan niya ang ECP bilang isang makasaysayang reporma na isinusulong ang pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bigyang kapangyarihan ang mga guro, bilang pangunahing haligi ng edukasyon sa ilalim ng bisyon ng Bagong Pilipinas.
Ayon sa mambabatas mula sa Unang Distrito ng Leyte, ang binagong sistema ng promosyon ay mag-aangat sa karera ng mga guro sa pamamagitan ng pagbibigay ng promosyon batay sa kakayahan at merito, sa halip na nakadepende lamang sa pagkakaroon ng bakanteng posisyon.
“This reform is a clear demonstration of how the Marcos administration values the role of our teachers. By ensuring that promotions are now based on their own excellence and dedication, we are giving them the recognition they truly deserve as the molders of our nation’s future,” pahayag ni Romualdez.
“Dati ay kulang ang mga oportunidad na makaangat ang ating mga guro dahil walang bakanteng puwesto para sa kanila. Ngayon, bibigyan na sila ng pagkilala sa pamamagitan ng promosyon na batay sa kanilang angking galing at dunong―isang makabuluhang pagkilala at pasasalamat ng pamahalaan sa mga oras na iginugol nila sa pagtuturo sa ating mga anak,” dagdag niya.
Iginiit ng Speaker na ang bagong sistema ay tumutugma sa binigyang-diin ng Pangulo sa kanyang 2025 State of the Nation Address (SONA)―na ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mga guro sa pamamagitan ng propesyonal na pag-unlad at pag-angat sa karera ay susi sa pagbabago ng sektor ng edukasyon sa bansa.
“The ECP System paves the way for genuine career advancement and self-fulfillment for our teachers. It revives the joy of teaching as both vocation and calling, while opening the promise of higher rank and better pay for those who meet the standards,” ayon kay Romualdez.
Sinimulan na ng DepEd ang pagpapatupad ng DepEd Order No. 024, series of 2025, na nagtatatag ng ECP System. Sa ilalim nito, nagkaroon ng mga bagong ranggo sa pagtuturo―Teacher IV hanggang VII at Master Teacher V―at lumikha ng dalawang career track: classroom teaching at school administration.
Ang promosyon ay ibabatay na sa Philippine Professional Standards for Teachers and School Heads, na nagbibigay-prayoridad sa kalidad ng pagtuturo at kakayahan sa pamumuno.
Binigyang-diin ni Romualdez na ang ECP System ay katuparan ng mandatong konstitusyonal na bigyan ng pinakamataas na prayoridad ang edukasyon sa paggugol at paggawa ng polisiya ng pamahalaan.
“As legislators, it is our constitutional duty to ensure that education receives the support it deserves. By funding programs like the Expanded Career Progression System, we are fulfilling this mandate while uplifting the very people who shape the nation’s future―our teachers,” aniya.
Hinimok din ng Speaker ang DepEd na sabayan ang bagong sistema ng mga oportunidad para sa propesyonal na pag-unlad ng mga guro, gaya ng advanced studies, training at mentorship.
“Handa kaming sumuporta sa mga ganitong inisyatibo na makakatulong sa pag-usad ng mga karera ng ating mga guro. Makakatulong din ito upang mahasa silang lalo, nang sila ay may kakayahan na baguhin ang sistema ng edukasyon gaya ng nilalayon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr.,” sinabi ni Romualdez.
Tiniyak din niya ang suporta ng Kamara sa sapat na pondo para sa mga programa ng DepEd.
Sa panukalang 2026 National Expenditure Program (NEP), humiling ang ahensya ng kabuuang P928.52 bilyon upang tugunan ang mga kakulangan sa pagkatuto at palakasin ang hanay ng mga guro at non-teaching personnel.
Sa pagtatapos, binigyang-diin ni Romualdez na ang mga reporma gaya ng ECP System ay hindi lamang tungkol sa karera ng mga guro, kundi pati na rin sa kalidad ng edukasyong matatanggap ng mga mag-aaral.
“Teachers who are adequately supported and amply recognized for their dedication and excellence will nurture children who are not only competent, but also deeply rooted in Filipino values and love of country. With the ECP System, we can assure parents that their children are in the capable hands of educators whose careers and dignity are fully uplifted,” pahayag ni Speaker Romualdez.

