Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Speaker Romualdez: Kamara hindi titigil pagtatrabaho kahit bakasyon

206 Views

WALANG balak ang Kamara de Representantes na tumigil sa pagtatrabaho kahit pa naka-adjourn ang sesyon ng Kongreso.

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez tututukan ng mga komite ng Kamara ang pagpasa ng mga nalalabing panukala na tinukoy sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na bibigyan ng prayoridad ang pag-apruba.

Natapos na ng Kamara ang 23 sa 31 panukala na prayoridad ng LEDAC.

Sa sesyon noong Miyerkoles, nagmosyon si House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe na payagan ang mga komite na magsagawa ng pagdinig kahit na naka-break ang Kongreso.

“Mr. Speaker, in accordance with our rules, I move that we authorize all committees to conduct meetings and/or public hearings, if deemed necessary, during the House recess from March 23, 2023 to May 7, 2023,” sabi ni Dalipe.

Inaprubahan ni Speaker Romualdez ang mosyon.

“We authorized our committees to continue working during the recess consistent with the firm commitment of the House of Representatives to approve priority measures agreed upon in the LEDAC meetings that would give flesh to the 8-Point Socio-Economic Agenda of the national government,” sabi ni Speaker Romualdez.