Queen1

Speaker Romualdez nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II

Mar Rodriguez Sep 9, 2022
106 Views

NAGPA-ABOT ng pakikidalamhati at pakikiramay si House Speaker Ferdinand “Martin” Gomez Romualdez sa “Royal Family” sa Great Britain kaugnay sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II.

Sinabi ni Romualdez na nakikiisa siya sa pagpanaw ng tinaguriang “great world leader” na nagsilbi aniyang inspirasyon sa napakaraming henerasyon ng mga “public servants” sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Romualdez, hindi basta-basta malilimutan ang yumaong Reyna na punong-puno aniya ng katatagan na nagpamalas ng hindi matatawarang “grace at decency” sa pagganap ng kaniyang tungkulin sa harap ng mga krisis sa kaniyang bansa.

Binigyang diin pa ng House Speaker na hindi basta-basta malilimuot si Queen Elizabeth hindi lamang sa Graet Britain kundi maging sa iba’t-ibang bahagi ng bansa sapagkat naka-ukit na aniya ang pangalan nito sa kasaysayan ng buong mundo.

“Her name will never be forgotten and her memories as a great leader as a great monarch will remain etched in our hearts forever. We will remember her as a gentle yet solid rock of stability who exhibited grace and decency in performing her duties in times of crisis,” sabi ni Romualdez.