Calendar
Speaker Romualdez: Suporta sa AFP modernization tuloy-tuloy
TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na suportado ng Kamara de Representantes ang modernization program nito upang mapanatili ang kapayapaan at katatagan ng bansa.
Ginawa ni Romualdez ang pahayag sa HOR-AFP fellowship series (Visayas leg) na ginanap sa Cebu City at dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng AFP sa pangunguna ni Chief of Staff Gen. Andres Centino.
Sinabi ni Speaker Romualdez na ang isinusulong na amyenda sa batas na nagtatakda ng fixed term sa mga piling opisyal ng AFP ay inaasahan na lalo pang magpapatibay sa propesyunalismo sa liderato nito.
“The House of Representatives is committed to modernize the Armed Forces of the Philippines as it is crucial to our nation’s sovereignty and security,” sabi ni Speaker Romualdez.
“Our military should be equipped with the latest technological advances and training to respond to the continuing threats that we face,” sabi pa ng lider ng Kamara.
Ibinalita rin ni Romualdez sa mga dumalo sa pagtitipon na naratipika na ng Kamara ang bicameral conference committee report para sa pag-amyenda sa Republic Act 11709 na nagtatakda ng fixed term sa mga piling opisyal ng AFP.
“Regular turnover can ensure that new ideas and perspectives are constantly being introduced and that there is a healthy culture of competition and meritocracy within the Armed Forces,” sabi pa ni Speaker Romualdez.
Iginiit din ni Romualdez ang mahalagang papel na ginagampanan ng AFP sa pagpapanatili ng kapayapaan, katatagan, at pag-unlad ng bansa.
“As we all know, peace and stability are crucial to the prosperity of any nation. Without it, social, economic, and political development cannot flourish. And while many factors contribute to peace and stability, a well-functioning and professional Armed Forces is undoubtedly one of the most critical components,” ani Speaker Romualdez.
Binigyan-diin din ng lider ng Kamara ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga mambabatas, militar, at mga lider ng defense establishment.
“As we all know, the relationship between the legislature and the Armed Forces of the Philippines is essential to the well-being and security of our nation. In order to strengthen this bond, it is important to engage in activities that promote camaraderie and mutual understanding,” wika pa ni Speaker Romualdez.
“By spending time together in these settings, we can build trust, foster understanding and ultimately work together more effectively to serve our nation and its people,” dagdag pa nito.
Ang pagpupulong sa Cebu ay sumunod sa HOR-AFP fellowship-Luzon leg na ginanap noong Disyembre.