Calendar
Spox: Hindi tinatago ng mga Discaya mga luxury cars
IPINALIWANANG ng spokesperson ng pamilya Discaya na si Atty. Cornelio Samaniego III na hindi itinatago ng mga Discasya ang kanilang luxury cars.
Ito ay matapos ang raid ng Bureau of Customs sa compound at construction firm ng mga Discaya sa Bgy. Bambang, Pasig, nitong Martes ng umaga kung saan dalawa lamang sa kanilang milyon pisong halaga ng luxury cars ang nakita ng mga otoridad.
Sinabi na abogado na yung ibang sasakyan ay ginagamit at yung iba ay nasa labas ‘for maintenance.’ Yung iba naman aniya ay inilabas bilang pre-emptive measures upang hindi maapektuhan ng baha.
“Ginagamit po kasi yung ibang sasakyang. ‘Yung iba naman for maintenance. ‘Yung iba naman ay nailagay sa isang lugar kasi preemptive measures sila ngayon kasi nagbabahadito sa Pasig. Pero intact po yung mga sasakyan. pagbalik po nila makikita yung mga sasakyan. Hindi po itinatago. E bakit naman po itatago e legal po iyung mga yun,” ani ng abogado sa video interview na ipinost ng GMA News.

