Statement

Storage facility sa Kamara nasunog

Mar Rodriguez Aug 2, 2026
20 Views

SUMIKLAB ang sunog sa storage facility ng isang contractor sa loob ng Kamara de Representantes bandang alas-9:30 ng umaga noong Linggo pero walang naiulat na nasawi o nasugatan.

Rumesponde ang mga tauhan ng House of Representatives Fire Unit at Bureau of Fire Protection (BFP) at nakontrol ang sunog at idineklarang fire out bandang alas-9:57 ng umaga.

May ilang kagamitan at ari-arian na nakaimbak sa pasilidad ang napinsala.

Nagsimula na ang Office of the Sergeant-at-Arms at BFP sa imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng sunog.

Binigyang-diin ng mga opisyal ng Kamara na agad na naresolba ang insidente dahil sa maagap at magkatuwang na pagtugon ng House Fire Unit at BFP.

Tiniyak ng Kamara de Representantes ang kanilang pangako na panatilihin ang pinakamataas na antas ng kaligtasan at seguridad sa loob ng Batasan Complex.