Stranded na pasahero sa Siargao tinulungan; CEBGO, PAL flights kanselado

Jun I Legaspi Mar 11, 2026
230 Views

TUMULONG ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga pasaherong stranded sa Siargao Airport noong Lunes matapos kanselahin ang ilang byahe dahil sa masamang panahon.

Hindi bababa sa 25 pasahero ang pansamantalang tinuluyan sa Pre-Departure Area ng paliparan.

Ang kanselasyon ng mga biyahe ay bunsod ng masamang panahon na dulot ng Low-Pressure Area (LPA) na nakaapekto sa ilang bahagi ng Mindanao.

Kanselado rin ang byahe ng CEBGO flights na DG6851 (CEB-IAO), DG871 (IAO-CEB), DG6863 (CEB-IAO), DG6864 (IAO-CEB), DG6872 (DVO-IAO), DG6850 (IAO-CEB), DG6759 (CRK-IAO), DG6760 (IAO-CRK)

Apektadong ang 577 na pasahero sa mga canceled CEBGO flights.

Kanselado rin ang mga Sunlight Air flights 2R 989 (CRK-IAO), 2R 858 (IAO-CEB), 2R 857 (CEB-IAO), 2R 990 (CRK-IAO) at Philippine Airlines Express flights PR2374 (CEB-IAO), PR2876 (IAO-CRK), PR4351 (CEB-IAO), PR4352 (IAO-CEB).