Murder

Suspek sa murder timbog sa San Pascual

150 Views

KAMPO HENERAL MIGUEL, MALVAR, Batangas — Timbog nitong Martes ang isang obrero sa kasong murder sa kanyang pinagtataguang lugar sa Brgy. Laurel, San Pascual, Batangas.

Ang suspek, ayon kay Batangas police director PCol. Geovanny E. Sibalo, ay kinilalang si alyas Andy, 30, walang asawa, residente ng Brgy. Kumintang Ilaya, Batangas City.

Ang mga tauhan ng Warrant Section ng Batangas Component City Police Station, kasama ang 1st BPMFC, ay nagsilbi  ng warrant of arrest sa suspek na Rank No. 5 Regional Most Wanted Person na inisyu ng Presiding Judge ng Regional

Trial Court , Branch 8, ng Batangas City, Batangas, na may petsang Disyembre 5, 2025, at walang inirekomendang piyansa.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa pansamantalang pasilidad ng kustodiya ng Batangas Component City Police Station.

Nakatuon kami sa pagdadala sa lahat ng wanted na kriminal sa hustisya at pagtiyak sa kaligtasan at seguridad ng aming mga komunidad.

“Ang pag-aresto na ito ay nagpapakita ng aming walang-sawang dedikasyon sa pagtataguyod ng batas at paggawa sa Batangas na mas ligtas para sa lahat. Dine sa Batangas, walang takas!,” pahayag ni PCol. Sibalo.