Calendar
Ipinapaliwanag ni NBI Director Jaime Santiago ang sistema kung paano sumuko ang suspek sa kasong murder at frustrated murder sa Zambales. Kuha ni JONJON C. REYES
Suspek sa pagpatay sumuko sa NBI
SUMUKO sa National Bureau of Investigation (NBI) sa San Antonio, Zambales noong Biyernes ang lalaking suspek sa murder at frustrated murder, ayon kay NBI director Jaime Santiago.
Nakilala ang suspek na si alyas Shawn o Chot, ayon sa report.
Ayon kay Santiago, unang nagsimulang magparamdam na susuko ang suspek noong Agosto 5 nang makatanggap ng surrender feelers mula sa kampo ng suspek.
Dahil doon, inatasan ng NBI director ang mga ahente ng NBI na aksyunan ang nasabing kaso at ipatupad ang batas.
Kumilos ang mga ahente at nag-verify ng mga personal na kalagayan ng suspek.
Kinumpirma ng mga ahente ng NBI na may dalawang nakabinbin na warrants of arrest ang suspek na inisyu ng Regional Trial Court Branch 71 ng Iba, Zambales.
Natagpuan ang suspek sa Brgy. Pundaquit, San Antonio, Zambales at nasa kustodiya ng kanyang kaibigan.
Pinuri ni Santiago ang mga ahente ng NBI Dagupan District Office sa pagproseso ng pagsuko ng suspek.

