Marilou Cayco, bagong kongresista ng Batanes
Nov 29, 2026
Girlash papansin mashado
Nov 29, 2026
P1K ipinamahagi sa mga lolo, lola sa Jaen
Nov 29, 2026
Calendar
Provincial
Suspek sa pamamaril ng Lebanese sa Baliwag sumuko
Peoples Taliba Editor
Dec 8, 2025
451
Views
ISANG 47-anyos na drayber na hinihinalang sangkot sa pagpatay sa isang Lebanese national ang kusang sumuko sa Baliwag City Police noong Disyembre 8, 2025, at inamin ang krimen.
Ang suspek na si “Ramil,” mula sa Gapan City, ay isinuko rin ang isang 9mm pistol na pinaniniwalaang ginamit sa pamamaril noong Nobyembre 23 sa Brgy. Sabang, Baliwag City.
Ayon kay PRO3 Regional Director PBGEN Ponce Rogelio I. Peñones Jr., ang pagsuko ay isang hakbang tungo sa hustisya:
“May isang buhay na nawala at may pamilyang naghahangad ng kasagutan. Karapatan ng lahat ang maging ligtas, sino man sila. Hahayaan naming magsalita ang ebidensya at ang batas ang mangunguna.”
Naghahanda na ang pulisya ng kaukulang kaso habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
P1K ipinamahagi sa mga lolo, lola sa Jaen
Nov 29, 2026
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Buwanang fitness test ginanap para sa BPPO
Nov 28, 2026

