Rape Kinilala ni MPD Chief PBGen. Arnold Santiago ang suspek na may kasong statutory rape sa Isabela na natimbog sa Quezon City.

Suspek sa panghahalay sa Isabela natiklo ng MPD sa QC

Jon-jon Reyes Jul 20, 2026
190 Views

TIMBOG ang binata ng mga operatiba ng District Police Intelligence and Operations Unit ng MPD-DPIOU sa Solaire Resort, Quezon City noong Lunes dahil sa statutory rape sa Isabela.

Nakilala ang suspek na si alyas Melo, 25.

Ayon sa report, bandang alas-9:30 ng umaga ng arestuhin ang suspek sa pamumuno ni PCapt. Vincent Paul Mercado sa pangangasiwa nina PMaj. Kevin Rey Bautista at PCol. Robert Sales.

Nagresulta ang intel-driven operation ng mga pulis sa pag-aresto sa akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa krimeng statutory rape na inilabas ni Judge Ariel Managuelod Palce, Presiding Judge ng Regional Trial Court, 2nd Judicial Region, Branch 40, Cauayan City, Isabela.

Ang inarestong akusado ay kabilang din sa talaan ng Most Wanted Person ng isabela at pansamantalang ikukulong sa MPD Integrated Jail habang hinihintay ang pagbabalik ng warrant of arrest sa pinagmulang hukuman.