SWS

SWS: 46% ng mga Pinoy umaasang gaganda ang buhay

252 Views

UMAASA ang 46 porsyento ng mga Pilipino na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan, ayon sa survey ng Social Weather Station.

Isinagawa ang survey noong Hunyo 26 hanggang 29, o ilang araw bago bumaba sa puwesto si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon din sa survey, 40 porsyento ang nagsabi na wala silang inaasahang pagbabago sa loob ng isang taon samantalang 4 porsyento ang nagsabi na mas sasama ito.

Mayroon namang 11 porsyento na hindi sumagot.

Ang Net Personal Optimism score ay 42 porsyento (46 porsyento na naniniwala na gaganda minus 4 porsyento an hindi).

Ito ay mas mataas sa 39 porsyentong net personal optimism na naitala noong Abril 2022 at kapantay ng 42 porsyento na naitala noong Disyembre 2021.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,500 respondent na edad 18 taong gulang pataas. Mayroon itong ±2.5 porsyentong sampling error of margin.