Sylvia2 Sylvia Sanchez

Sylvia sobra-sobra ang pasasalamat sa Diyos

Eugene Asis Dec 29, 2025
174 Views

Sylvia

Sylvia1
Cast abd crew of ‘I’mPerfect’ during MMFF 2025 Gabi ng Parangal

YUNG kumita, ibibigay ng Diyos ‘yun. Maniwala kayo sa akin, itong mga batang ito, gagawa ito ng history sa December 27. Ang galing-galing nila. Kayang-kaya nila,” sabi ni Sylvia Sanchez nang mag-premiere night ang pelikulang ‘I’mPerfect’ sa Gateway Cinema bago mag-Pasko.

At nagkatotoo ang sinabi niya matapos maghakot ng awards ang naturang pelikula kabilang na ang Best Picture sa Metro Manila Film Festival 2025 Gabi ng Parangal nitong nagdaang December 27.

At ang pinakamatindi, nanalong best actress ang pangunahing bituin ng pelikula, si Daphne Krystel Go, isang babaeng may Down’s Syndrome. Una ito sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

“Inclusivity in one word that’s how I simply described this historic milestone for Philippine cinema,” ayon naman sa direktor at writer ng ‘I’mPerfect’ na si Sigrid Andrea Bernardo. “I pushed for this film for several years since 2009. I thought nobody would produce the film.”

Aniya, ilang producers ang tumanggi nang i-pitch niya ang pelikula hanggang sa tanggapin at gawin ito ng Nathan sa pangunguna ni Sylvia Sanchez. Ayon pa sa direktor, ang kanilang pelikula, kung saan naka-collab din ng Nathan ang CMB Film Services at VLTF Co Production, ay isang “labor of love”.

“I doubted myself (at first), but I never gave up on them. It was a big reward that this film had already been released in cinemas and saw them (the stars) dancing on stage, getting the attention they deserved and being interviewed is an absolute success,” sabi pa ng direktor.

Hindi nanalo bilang bedst direktor si Direk Sigrid sa gabi ng parangal. Pero ayon sa kanya: “I am already a big winner as I proved my point. These awards are priceless, and they are the icing on cake. These are the rewards,” sabi pa ni Direk Sigrid na ang tinutukoy ay ang napanalunan nilang Best Picture, Best Actress, at Best Ensemble Performance (Special Jury Prize) awards.

Hanggang ngayon ay halos hindi pa rin makatulog ang executive producer ng “I’mPerfect” na si Sylvia Sanchez dahil sa mga parangal na kanilang natanggap.

“Ngayon lang ako napahinga nang konti,” ani Sylvia nang makausap namin. “Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa Diyos, sa lahat ng mga taong naniwala sa proyektong ito. Sa mga hurado, at sa mga nanood na at sumuporta sa amin. Salamat po.”