Vic Reyes

Tama ka, Pangulong Marcos!

Vic Reyes Aug 6, 2025
313 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na diyan sa Japan at iba pang panig ng mundo.

Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.

Binabati natin sina: Ma. Theresa Yasuki, Lorna Pangan Tadokoro, Patricia Coronel, Aimi Houchii, La Dy Pinky, Chato Coronel, Yoshiko Katsumata, Endo Yumi, Roana San Jose, Hiroki Hayashi, Winger dela Cruz, at si Hiroshi Katsumata.

Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman at Jess Manuel ng Saudi Arabia.

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa numero: +63 9178624484

***

Dapat ng matuldukan ang smuggling ng ating mga endangered species na “plants and animals.”

Hindi lang “plants and animals” kundi ang iba pa nating national treasures, kagaya ng paintings, relics, artifacts at “agarwood.”

Ang “agarwood” ay “rare and highly-valued” dito sa ating bansa at maging sa buong mundo.

Sa totoo lang, ang agarwood ay isa sa“most expensive natural raw material in the world.”

Ginagamit ito sa paggawa ng pabango at gamit din sa “traditional medicine and religious practices.”

Noong Lunes ay naka-intercept ang Bureau of Customs (BOC) ng outbound cargo na naglalaman ng agarwood.

Nagkakahalaga ng P31.65-M, ang cargo ay nasabat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Sinabi ni Customs Commissioner Ariel S. Nepomuceno na ang idineklarang laman ng shipment ay “mahogany wood.”

Pero noong idaan ito sa thorough examination ay napatunayang agarwood ang laman ng shipment.

Ang tangkang exportasyon ng agarwood ay paglabag sa ilang environmental and customs regulations, kasama na ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Ang nakumpiskang agarwood ay ibibigay sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) “for proper handling and disposition.”

Congratulations, BOC-NAIA at Commissioner Nepomuceno for a job well done!

***

Sa tingin ng mga observers sa aduana, nanginginig na ngayon sa nerbiyos ang mga iligalista at mga kasabwat na lingkod-bayan.

Alam nila na lilinisin ni Commissioner Ariel S. Nepomuceno ang aduana dahil ayaw ni Pangulong Marcos na masira ang kanyang administrasyon.

Dapat malinis ni Marcos ang mga dapat linisin sa gobyerno.

Kaya nga siya tumakbo sa pagka-pangulo ay para maiwasto niya ang mga kamalian noong panahon ni yumaong Pangulong Ferdinand Edralin Marcos.

At tama ang ginawa ni Pangulong Bongbong nang ibunyag niya ang mga kababalaghan sa mga flood-control projects sa kanyang administrasyon.

Nag-utos siya ng full-blown investigation sa lahat ng flood-control projects mula ng maupo siya sa Malacanang.

Tama ka, Pangulong Marcos!