Language

Terminolohiya para sa mga may kapansanan tinalakay sa panayam sa FSL

208 Views

Language1Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025, nagsagawa si Diana Pria Vizmanos, Deaf Advocacy Officer ng Yunit ng Filipino Sign Language (FSL), ng panayam hinggil sa Deaf Sensitivity Awareness na dinaluhan ng mga kawani ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong Agosto 4, 2025.

Ang panayam na ito ang una sa apat na bahagi ng serye noong Agosto na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga kawani ng KWF at maturuan kung paano makikipag-usap sa mga Bingi gamit ang FSL.

Ilan sa mga tinalakay ay ang medikal at kultural na pananaw sa pagkakakilanlan ng mga bingi, kabilang na ang paglilinaw sa paggamit ng malaking titik na D at maliit na d sa salitang deaf, mga tinatanggap at hindi tinatanggap na terminolohiya para sa mga taong may kapansanan, at ang lengguwahe ng mga bingi gamit ang senyas, galaw ng katawan, at ekspresyon. Nagkaroon din ng maikling pagsusulit para sa mga kawani kaugnay sa mga paksang natalakay.

Ipinunto rin ni Vizmanos na ang pagkatuto ng FSL ay hindi lamang usapin ng wika, kundi pati na rin ng tradisyon, paniniwala, sining, pagpapahalaga, at nakamihasnang panuntunan sa pagkilala sa mga bingi.

Nagsilbi niyang FSL sign interpreter si G. Alfredo H. Putan Jr.