Tingog Sina Reps. Yedda Romualdez, Andrew Romualdez at Jude Acidre ng Tingog Party-list

Tingog Party-list nag-file ng 177 panukalang batas na nagbibigay pag-asa, people first

352 Views

NAKAPAGHAIN ang Tingog Party-list – sa pangunguna nina Reps. Yedda Romualdez, Andrew Romualdez at Jude Acidre – ng 177 panukalang batas sa unang regular na sesyon ng Kongreso, kung saan 14 sa mga ito ay tumutugma sa mga prayoridad ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Malakas ang legislative performance ng Tingog sa pagbabalik nito sa Kongreso.

Binigyang-diin ng Tingog na ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa kanilang paniniwala na ang tunay na pamumuno ay nagsisimula sa tao, hindi sa pulitika.

Aniya, bawat inisyatibo ay inspirasyon mula sa mga kuwento at pakikibaka ng karaniwang Pilipino: isang inang nagsusumikap pakainin ang kanyang pamilya, isang estudyanteng nagsisikap makapag-aral, isang manggagawang naghahanap ng katatagan, isang komunidad na muling bumabangon mula sa trahedya.

“Our work in Congress has never been about partisanship, but partnership with the people we serve,” sinabi ng Tingog sa isang statement.

“Behind every bill we file is a story of resilience and hope: a reflection of the daily realities of Filipino families and underserved communities across the country. This is what service over politics truly means: listening with empathy, responding with action, and doing the work quietly but consistently so that government becomes a living presence in the lives of our people,” dagdag nito.

Ipinapakita ng 14 LEDAC-aligned measures kung paano nakabuo ng polisiya para sa kapakanan ng mga mamamayan ang Tingog mula sa mga kuwento ng karaniwang Pilipino:

Pagpapalakas sa Food Security at Public Health

Nag-file ng mga panukala ang Tingog para maging abot-kaya ang bigas, maging accessible ang healthcare at mapalakas ang elderly care, para maprotektahan ang kapakanan ng bawat Pilipino.

• HB 1 – Rice Industry and Consumer Empowerment (RICE) Act: Pinalalakas ang regulatory powers ng National Food Authority upang suportahan ang industriya ng bigas at tiyakin ang proteksyon ng mamimili sa pamamagitan ng sapat na suplay at stable na presyo.

• HB 2 – Strengthening the Universal Health Care Act: Pag-adjust sa mandatory premium rate upang mapagaan ang pasaning pinansyal ng mga Pilipino, habang pinananatili ang financial sustainability ng PhilHealth.

• HB 2969 – Geriatric Health Act: Pag-convert sa Dr. Eva Macaraeg-Macapagal National Center for Geriatric Health para maging specialized hospital at research facility na tatawaging Dr. Eva Macaraeg-Macapagal National Center for Geriatric Health and Research Institute, para patatagin ang right to health ng senior citizens.

Pagpapalawak ng Educational Access at Social Welfare

Itinutulak ng Tingog ang mga panukalang magpapalawak sa learning opportunities at ma-institutionalize ang social protection para sa mga bulnerableng pamilya.

• HB 2963 – AICS Act: Pag-institutionalize sa Assistance to Individuals in Crisis (AICS) program ng DSWD. Ang AICS ay social safety net o stop-gap measure para tulungan ang mga mamamayan at pamilyang mahihirap, bulnerable, disadvantaged o nasa krisis.

• HB 4744 – Private Basic Education Vouchers Assistance Act: Nagbibigay ng voucher assistance sa mga kwalipikadong mag-aaral, guro at paaralan sa private basic education institutions; at nagtatatag ng Bureau of Private Education sa DepEd para sa pag-oversee ng private education programs at subsidies.

Pagsusulong ng Transparent Governance at Economic Empowerment

Layon ng Tingog ang reporma para sa mas matatag na institutional integrity, modernong governance systems at suporta para sa small businesses.

• HB 7 – Amendments to the Bank Secrecy Law: Binibigyan ng kapangyarihan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na suriin ang bank deposits, kabilang ang foreign currency accounts, sa mga partikular na kaso para masuri kung may basehan ng pandaraya o ilegal na aktibidad na naganap.

• HB 8 – Immigration Modernization Act: Isinusulong ang modernisasyon ng Bureau of Immigration sa pamamagitan ng pagbuo ng klarong organizational structure, pag-igihin ang institutional capacity at pag-professionalize sa mga personnel.

• HB 4666 – Amendments to the Magna Carta for Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs): Pinapababa ang bayarin sa permit at lisensiya, at pinapalawak ang access sa government procurement para sa eligible enterprises.

• HB 5213 – Civil Registration and Vital Statistics (CRVS) Act: Layuning gawing fully digital at moderno ang CRVS system para matiyak ang universal at inclusive registration.

Pagpapalakas ng Cybersecurity at Digital Infrastructure

Nais ng Tingog ang mas malakas na cybersecurity systems at digital governance para maprotektahan ang national interests.

• HB 9 – Cybersecurity Act: Itinataguyod ang Philippine Cybersecurity Council para ma-harmonize ang mga policy at ma-oversee ang implementasyon, at ang National Cybersecurity Defense Plan para sa regular reviews laban sa mga evolving threat.

Pagsusulong ng Environmental Stewardship at Sustainable Development

Itinataguyod ng Tingog ang responsable at forward-looking policies para gawing balanse ang development kaakibat ang environmental protection at resource sustainability.

• HB 12 – National Land Use Act: Nagtatakda ng pambansang balangkas para sa makatuwiran, holistic, pantay na alokasyon, gamit, management at development ng land resources ng bansa, na isinasaalang-alang ang sustainable development.

• HB 4272 – Waste Treatment Technology Act: Nire-regulate ang modernong waste-to-energy technologies para maresolba ang problema sa basura.

• HB 4671 – Blue Economy Act: Isinusulong ang Blue Economy bilang pambansang balangkas para sa sustainable development at inclusive development, stewardship at governance ng coastal at marine ecosystems at resources.

• HB 4690 – National Water Resources Act: Nagtatatag ng Department of Water Resources bilang pangunahing ahensya sa pag-identify, map, plan at manage ng lahat ng water resources sa bansa, maliban sa fisheries at aquaculture.

‘From the People, For the People’

Mula sa sektor ng pagkain at kalusugan, hanggang sa edukasyon, pamahalaan at kalikasan, bawat panukala ay may isang layunin: ang kuwento ng pakikibaka ay gawing mga polisiya tungo sa pag-asa at oportunidad.

“Our work in Congress is, and will always be, about people,” sinabi ng Tingog. “Every legislation we craft is rooted in the lived realities of Filipino families ― in their hopes, struggles, and dreams for a better life. This is what it means to put people at the heart of governance: to listen with compassion, to lead with integrity, and to serve in a way that leaves no one behind.”