Calendar
Tingog Partylist 13 taon na: Matatag na tinig para sa bayan, mas pinalakas na serbisyo para sa bansa
IPINAGDIRIWANG ng Tingog Party-list ang ika-13 anibersaryo nito, na tanda ng mahigit isang dekada ng katatagan, pagsusulong ng makabuluhang batas, at tunay na paglilingkod sa sambayanang Pilipino.
Patuloy ang pagpapalakas ng Tingog upang marinig ang tinig ng karaniwang mamamayan, lalo na ng mga nasa laylayan at kulang ang nakukuhang sa serbisyo, at paglikha ng mga konkretong programa at batas na mag-aangat sa kabuhayan ng mga Pilipino.
Mula sa kanilang simpleng simula sa Eastern Visayas, lumago ang Tingog bilang isang matibay na pambansang kilusan sa Kongreso, patunay na kahit sa harap ng mga hamon at nagbabagong kalagayang pulitikal, nananatili itong matatag sa misyon ng pamahalaang nakasentro sa tao.
Kasama sa prayoridad ng Tingog sa Kamara ang pagsusulong na maisabatas ang mga panukala na nakatuon sa edukasyon, kalusugan, kapakanang panlipunan, kababaihan, at kabataan.
Sa kabuuan, 71 panukalang batas ang naisabatas, kabilang ang ilang mahahalagang hakbang na nagpapalakas sa edukasyon, kapakanan ng bata, at kaligtasan ng komunidad. Ilan dito ay:
● Republic Act No. 12288 o ang Philippines’ Career Progression System for Public School Teachers and School Leaders Act, na sumusuporta sa propesyonal na pag-unlad ng mga guro;
● Republic Act No. 12199, o ang Early Childhood Care and Development System Act, na nagpapalakas ng suporta para sa mga bata sa kanilang mga unang taon;
● Republic Act No. 12124, na nagtataguyod sa Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) upang palawakin ang akses sa mas mataas na edukasyon; at
● Republic Act No. 12076, na kilala rin bilang Ligtas Pinoy Centers Act, na lumilikha ng mga ligtas at abot-kayang pasilidad para sa paghahanda sa kalamidad at mabilis na pagtugon sa mga emerhensiya.
Bilang pagkilala sa mahalagang papel ng edukasyon sa pambansang kaunlaran, patuloy na isinusulong ng Tingog ang ilang makasaysayang panukala sa edukasyon, kabilang ang:
● Higher Education Development and Innovation Act of 2025, na naglalayong pataasin ang inobasyon at pandaigdigang kakayahan ng mga pamantasan sa Pilipinas;
● Philippine Professional Standards and Quality Assurance System Act of 2025, na nagsisiguro ng kalidad at pananagutan sa mas mataas na edukasyon;
● Local Universities and Colleges Governance Act, na nagpapalakas sa pamamahala at pagganap ng mga LUCs;
● Proposed Amendments to RA 8292 (Higher Education Modernization Act) at Amendments to RA 7796 (TESDA Charter) upang maayon ang edukasyon sa kasalukuyang pangangailangan at mga kasanayang kinakailangan sa hinaharap.
Naghain at sumuporta rin ang Tingog sa mga panukalang nagtatanggol sa karapatan at kapakanan ng mga bata at mahihinang sektor, kabilang ang:
● Magna Carta of Children, na nagpapalakas ng mga polisiya para sa proteksyon ng mga bata; at
● Magna Carta of Workers in the Informal Economy (MACWIE), na naglalayong palawakin ang karapatang-paggawa, benepisyo, at proteksyon ng estado para sa milyun-milyong Pilipinong nasa impormal na sektor.
Serbisyong Pampubliko Lampas sa Kongreso
Kaakibat ng paggawa ng batas ang direktang serbisyo sa komunidad. Nakapag-abot ang Tingog ng tulong sa libo-libong pamilya sa buong bansa sa pamamagitan ng medikal at pangkabuhayang ayuda, mga iskolarship pang-edukasyon, operasyon sa pagtugon sa kalamidad, at mga programang pangkomunidad para sa kababaihan, kabataan, at nakatatanda. Pinapakita ng mga gawaing ito ang kabuuang dedikasyon ng Tingog: makinig sa hinaing ng mamamayan, tugunan ito nang may malasakit, at maghatid ng solusyong may tunay na epekto sa pamumuhay.
Matatag na Serbisyo at Mas Pinalakas na Ugnayan
Sa kabila ng mga pagsubok, nananatiling matatag ang Tingog, pinatatag ng tiwala ng mga nasasakupan at mga katuwang. Nakipagtulungan ito sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, mga lokal na pamahalaan, at mga samahang sibiko upang matiyak na ang mga programa ay maagap, epektibo, at tunay na nakikinabang ang mamamayan.
Binigyang-diin ni Rep. Yedda Romualdez ang panata ng Tingog: “For 13 years, Tingog has been a steadfast advocate for healthcare, education, women, and children. Our legislative victories and ongoing measures are not just accomplishments on paper, they are lifelines and opportunities for countless Filipino families. Each challenge we faced only strengthened our determination to serve with integrity and compassion.”
Ipinahayag ni Rep. Jude Acidre ang kahalagahan ng katatagan at layunin: “Our journey has never been without trials, but Tingog has endured and emerged stronger because our foundation has always been the people we represent. Laws like the Magna Carta of Workers in the Informal Economy and our education reforms are proof that listening to communities leads to lasting solutions. Resilience, for us, means never giving up on the Filipino people.”
Itinampok ni Rep. Andrew Romualdez ang pakikipagtulungan at pagiging inklusibo: “As we celebrate 13 years, Tingog looks forward to deepening reforms in health, education, and social protection. Resilient governance means building strong partnerships, working with LGUs, agencies, and civic groups so that no family, child, or worker is left behind. Tingog’s promise is simple yet profound: Nakikinig. Nagsisilbi.”
Sa pagpasok ng Tingog sa ika-13 taon, muling pinagtitibay nito ang misyon na maging matatag at maaasahang katuwang ng sambayanang Pilipino, na nagtutulak ng mga reporma upang mapalakas ang sistemang pangkalusugan, bigyang-lakas ang edukasyon, ipagtanggol ang mga manggagawa, at itaguyod ang karapatan ng kababaihan at kabataan. Tinitiyak ng Tingog na hindi dito nagtatapos ang kanilang trabaho. Lalong lalakas ang tinig ng taumbayan.

