Yedda

Tingog thanksgiving concert sa QC dinagsa

124 Views

DINAGSA ng libu-libong suporter ang libreng thanksgiving concert ng Tingog party-list na ginanap sa Amoranto Sports Complex sa Quezon City.

Ang pa-concert sa Quezon City ang ikatlong yugto ng “Tingog ng Pasasalamat” na inilungsad bilang pasasalamat ng Tingog party-list sa kanilang nakuhang suporta sa nakaraang halalan kung saan ito ay nakakuha ng dalawang upuan Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“It’s our way of saying thanks to all the people who trusted and supported us and that we are doing our best to serve them,” sabi ni Rep. Jude Acidre, na kasama si Rep. Yedda Marie K. Romualdez na kumakatawan sa Tingog sa Kongreso.

Sa pre-show ay pina-init ng social media sensation at singer na si DJ Loonyo, beauty queen at singer-actress Ali Forbes, at Joe Joe & Joe ang entablado.

Sinundan ito ng performance ng ILT (I Love Tacloban) at Plethora bands, singer-actress na si Karla Estrada, master rapper Andrew E, at ng Pinoy rock icon na si Bamboo, na special guest sa event.

Bukod sa libreng performance, nagpa-raffle din ng cellphone, tablet at isang Honda Click 125 motorsiklo ang top prize.

Si Mark Anthony Rejuso ng Payatas, Quezon City ang nag-uwi ng motorsiklo.

Sa Cebu City inilungsad ang libreng concert noong Pebrero 12 at sinundan ito ng pagtatanghal sa Tagum City, Davao Del Norte noong Pebrero 17.

Ang ika-apat at huling yugto ng Tingog ng Pasasalamat ay gagawin sa Tacloban City sa Marso 4.