Rizal

Trak na may iligal na troso naharang, 4 tiklo sa Rizal

74 Views

Rizal1Rizal2

ARESTADO noong Martes ng mga kapulisan ang apat na indibidwal sakay ng isang trak na kargado umanong ng mga ilegal natroso sa Brgy. Cuyambay, Tanay, Rizal, ayon sa Tanay Municipal Police Station.

Dakong alas-3:45 ng madaling araw ng Nobyembre 24, 2026, nang masabat ng mga tauhan ng Rizal Provincial Mobile Force Company katuwang ng Tanay Municipal Police Station ang nasabing sasakyang may kargang 79 na piraso ng mga iba’t ibang uri ng kahoy.

Ang matatag na operasyon ay bahagi ng suporta at dedikasyon ng Rizal PNP sa pangangalaga ng kalikasan at suporta at pakikiisa sa YES to GREEN Program (Ynares Eco-System) ng Rizal Provincial Government

Na-turn over kaagad ang mga nakumpiskang kahoy sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).

Ang mga suspek ay nasa kustodiya ng Tanay MPS at maaaring sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.