Batangas

MWP na may asawa dinampot ng pulisya sa pagmolestiya ng minor

65 Views

LiveLive1

KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas — Nadakma noong Lunes ng mga kapulisan ang isang Regional-Level Most Wanted Person sa isang operasyon sa Brgy. Poblacion 1, Lungsod ng Tanauan, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang akusado na si alyas Jessie, 37, may asawa, walang trabaho, at residente ng Brgy. San Antonio, Lungsod ng Sto. Tomas, Batangas.

Isinagawa ang pag-aresto sa pamumuno ni PCOL Oliver Ebora, Provincial Director, kasama ang mga tauhan ng Tanauan Component City Police Station batay sa warrant of arrest na inilabas ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 6, Lungsod ng Tanauan, Batangas, kaugnay ng kasong rape na may piyansa na ₱200,000; at kasong qualified rape na walang itinakdang piyansa.

Ipinaalam ng mga pulis sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine at sa mga probisyon ng Anti-Torture Act. Gumamit ng mga body-worn camera at alternative recording device sa operasyon upang matiyak ang maayos na dokumentasyon.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Tanauan Component City Police Station ang akusado.