Calendar

Tricycle driver todas sa pamamaril; salarin nakatakas
PATAY ang isang tricycle driver na binaril ng tumakas na salarin sa loob ng banyo ng paradahan ng CHVMMTODA sa Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna noong Sabado.
Nasawi sa mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Senen Torio Bulatao ng Purok 2, Brgy. Laguerta, Calamba City.
Tumakas ang itinuturong suspek sa pamamaril na tinatayang may taas na 5′ 6,’ katamtaman ang katawan, naka-jacket, pants at naka-Suzuki Rider na walang plaka.
Base sa imbestigasyon, dakong alas-9:49 ng gabi nang barilin ang biktima ng suspek sa hindi malamang kadahilanan.
Sa salaysay ng saksi, nakaupo siya sa monoblock chair at naglalaro ng kanyang cellphone ng marinig ang putok ng baril mula sa banyo.
Inusisa niya kung ano ang nangyari at doon niya nakita ang nakahandusay na biktima na wala ng buhay.