Calendar
Triker, negosyante inambush ng hiwalay sa Laguna, bulagta!
DALAWA ang namatay sa pamamaril sa Calamba City at Lumban, Laguna noong Mayo 26, ayon sa ulat ng Laguna police.
Unang napatay si alyas Danilo, 55, na nagmamaneho ng tricycle at binaril sa reclaimed area sa Brgy. Lewin, Lumban,Laguna dakong alas- 8:55 ng umaga.
Tumakas ang suspek sa pamamaril papunta sa hindi mabatid na lugar.
Napatay naman ang negosyante na binaril ng hindi kilalang suspek pagdating sa bahay niya noong sa Silangan Village, Brgy. Canlubang, Calamba City, Laguna.
Kinilala ng Calamba police ang biktima na si alyas Ed na naisugod pa Global Medical Center kung saan idineklarang dead-on-arrival.
Bagong dating sa bahay ang biktima bandang alas-4:45 ng hapon habang inihahanda ang kanilang pagkain ng biglang sumulpot ang hindi kilalang suspek at pinaputukan ang biktima ng ilang beses.
Limang basyo ng caliber 9mm na bala ang nakuha pinangyarihan lugar.
Ayon sa saksi, inagaw pa ng isa sa dalawang suspek ang dalang bag ng biktima saka tumakas sakay ng motorsiklo.

