PRO

Batangas PNP nagparangal sa 2 parak

52 Views

pulisKAMPO VICENTE LIM, Calamba City–Ginawaran ng parangal ang dalawang tauhan ng Batangas Police Provincial Office (PPO) sa flag raising ceremony noong Lunes sa lungsod na ito.

Nagparangal si Batangas police director P/Col. Oliver Ebora kina P/Lt. Col. Dwight Fonte Jr., chief ng Provincial Intelligence Unit (PIU), at PSSg Norwin Pesalbon, isang intelligence operative.

Tinanggap ng dalawa ang Medalya ng Kagalingan bilang pagkilala sa kanilang pagganap sa tungkulin.

Nag-ugat ang parangal sa joint buy-bust laban sa mga smuggled na sigarilyo noong May 19 sa Balayan, Batangas.

Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa mataas na antas ng dedikasyon, propesyonalismo at walang pag-aalinlangang komitment ng kapulisan sa pagpuksa sa mga ilegal na aktibidad sa lalawigan.

Ang ganitong paglilingkod ay hindi lamang nagbibigay-karangalan sa Batangas PPO kundi nagsisilbi ring inspirasyon sa buong komunidad.