Driver Source: MPD

Truck driver di binigyan ng pera ex-gf, sinaksak ng screwdriver

Jon-jon Reyes Jun 26, 2026
154 Views

DriverDriver2

Driver3
Source: MPD

ARESTADO noong Huwebes ang babae ng mga operatiba ng Manila Police District matapos saksakin ng screwdriver ang truck driver na dati niyang kasintahan sa Pier 2, Parola compound, Brgy. 20, Tondo, Manila.

Nakilala ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated homicide na si alyas Josephine, 31, at nakilala naman ang biktima na si alyas Geronimo, 43.

Ayon kay Police Lieutenant Ferdinand Omli, bandang alas-6:35 ng gabi nangyari ang pananaksak habang nagpapahinga ang biktima sa pagmamaneho ng truck.

Sa salaysay ng biktima, natutulog siya sa duyan nang bigla siyang binuhusan ng tubig ng imburnal sa mukha ng dating nobya.

Humingi umano ng pera ang suspek sa biktima pero tumanggi ang driver kaya biglang bumunot ang suspek ng screwdriver at sinaksak ang biktima.

Inaresto nina PCpl/ Agudo ang suspek at narekober sa kanyang pag-aari ang isang screwdriver.

Kinilala ni PLt. Ferdinand Omli ang suspek na 31 anyos na babae matapos saksakin ng screw driver ang dati niyang nobyo.