Calendar
White Ribbon Movement? Ready kami d’yan–QCPD
HANDA na ang Quezon City Police District (QCPD) sa nakatakdang White Ribbon Movement sa EDSA People Power Monument sa Hunyo 28.
Magpapakalat ang QCPD ng mga pulis katuwang ang iba’t-ibang units ng Philippine National Police (PNP) at mga partner agency upang bantayan ang mga lalahok sa pagtitipon, mga motorista at mga residente.
Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng pulisya sa mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan at mga organizer upang matiyak ang maayos na seguridad at maayos na daloy ng trapiko.
Ayon kay QCPD director PBGen. Randy Glenn Silvio, nakahanda sila na tiyakin ang kaligtasan ng publiko habang iginagalang ang karapatan ng mga mamamayan na magsagawa ng mapayapang pagtitipon.
Paiiralin ang mahigpit na security at traffic management measures upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, ayon sa hepe ng pulis.

