Calendar
Truck vs kotse sa Cabanatuan ; 2 tigok

TALAVERA, Nueva Ecija–Dalawa ang patay sa salpukan ng 10-wheeler truck at kotse sa noong Miyerkules sa Cabanatuan City.
Nasawi ang dalawang sakay ng Toyota Corolla Altis (ZTN-941) matapos sumalpok sa nakaparadang truck sa Maharlika Highway sa Brgy. San Miguel dakong ala-1:20 ng madaling araw.
Sa larawang kumalat sa social media, makikitang mistulang latang nayupi ang kotse matapos diretsong sumadsad ang higit kalahati ng katawan nito pa-ilalim sa bahaging likuran ng truck na de karga.
Ayon sa mga saksi, umentrada umano nang sobrang bilis ang kotse nang baybayin nito ang highway paglagpas ng boundary arch pakaliwa papasok sa bayan ng Talavera.
Marahil dahil sa kakulangan ng ilaw paglagpas ng highway boundary kaya nangyari ang aksidente.
Wala pang pahayag ukol sa aksidente ang Talavera police sa pangunguna ni Lt. Col. Jonathan Meru.

