Calendar
Truck vs motor: 2 utas
SAN PASCUAL, Batangas–Nasawi ang dalawang magkaangkas sa motorsiklo matapos sumalpok sa 10-wheeler truck sa bypass road sa Brgy. Mataas na Lupa sa bayang ito noong Linggo.
Kinilala ng San Pascual police ang mga biktima na sina alyas Christian, 21, drayber; at angkas na si Niabelle, 23.
Binabaybay ng Isuzu EXR truck (NAF 7939) na minamaneho ni alyas Raymund, 52, ang bypass road at pagdating sa interseksyon nakasalpukan ang Yamaha Sniper (O742GD) na minamaneho ng mga biktima.
Sa lakas ng salpukan, tumalsik sa semento ang mga biktima na nagtamo ng matitinding pinsala sa katawan.
Isinugod sila sa St. Pascal de Baylon Hospital ngunit idineklara silang patay bandang alas-4:26 ng madaling-araw ng attending physician na si Dr. Jigger Gilera.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pascual police ang drayber.
