Jaclyn2

Valeriano nagpaabot ng taos pusong pakikiramay sa pamilya ni Jacklyn Jose

Mar Rodriguez Mar 6, 2024
59 Views

NAGPA-ABOT ng isang taos pusong pakikiramay si Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano para sa yumaong veteran at best actress na si Jacklyn Jose o Mary jane Sta. Ana Guck sa tunay na buhay sa edad na 59.

Sinabi ni Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na nakikiisa at nakiki-simpatya siya para sa mga taga-showbiz industry dahil sa pagpanaw ng isa sa mga itinuturing na haligi ng pinilakang tabing.

Ayon kay Valeriano, nakakapanghinayang ang pagkawala ni Jacklyn Jose sapagkat ipinapakita ng yumaong actress ang kaniyang husay o versatility sa pag-arte sa pamamagitan ng mga nakuha nitong awards sa nakalipas na panahon. Kasunod ng kaniyang panalangin na nawa’y marami pang baguhang actress ang sumunod sa yapak ni “Jacklyn Jose” sa darating na hinaharap.

“We join the showbiz industry in grieving the loss of a veteran actress as good as Ms. Jacklyn Jose who showed versatility in performing her arts. She could lead or second roles, drama or comedy.

She will be hard to replace and thus will be sorely missed. We condole with her family and friends,” ayon kay Valeriano.

Gayunman, ipinahayag din ng kongresista na labis nitong ikinabigla ang biglang pagpanaw ni Jacklyn Jose dahil makikita pa aniya sa mga ginagampanan nitong papel o role sa tele-seryeng “Batang Quiapo” na malusog at malakas ang actress at mistulang wala naman iniindang karamdaman.

“Her recent role in Batang Quiapo gives us the impression that she was healthy and strong. We hope to just remember her that way at her prime,” sabi pa ng mambabatas kaugnay sa pagpanaw ni Jacklyn Jose.