Calendar
Source: Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV FB post
VP Sara kinusahanng plunder, graft sa Office of the Ombudsman
NAKATANGGAP ng reklamong plunder ang Office of the Ombudsman laban kay Vice President Sara Duterte, na tumutukoy sa umano’y pag-abuso sa confidential funds ng OVP at iba pang kwestiyonableng transaksiyon sa mga panahong hawak niya ang mga posisyon bilang alkalde ng Davao City at kalihim ng Department of Education.
Ang ikalawang kaso ay inihain nina dating senador Antonio Trillanes IV at ng grupong The Silent Majority, na binubuo ng mga kasapi ng civil society.
Ayon sa mga nag-akusa, hindi lamang plunder ang dapat harapin ni Duterte kundi pati iba pang mabibigat na sakdal gaya ng graft at bribery, paglabag sa Konstitusyon, betrayal of public trust, at iba pang at iba pang mabibigat na krimen.
“Ngayong umaga, ako, kasama ang grupong The Silent Majority, ay nagsampa sa Ombudsman ng kasong plunder at graft laban kay Sara Duterte. Tayo ay nananawagan sa Ombudsman na bigyan ng mabilis na aksyon ang mga kasong naisampa sa kanya para mapanagot sya sa kanyang kasalanan sa ating bayan,” sinabi ni Trillanes sa kanyang FB post.

