Rizal

Wanted sa pagbebenta ng dr*g* nasukol sa Rizal

102 Views

Live1

ARESTADO noong Linggo ng mga tauhan ng Rodriguez police ang 36-anyos na lalaki sa Gloria Vista Subdivision, Brgy. San Rafael, Rodriguez, Rizal dahil sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas James, na kabilang sa listahan ng Regional Most Wanted Persons, at residente ng nasabing lugar.

Naaresto siya kaugnay ng pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong Hulyo 23, 2026 at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Matapos maaresto, ipinaalam sa suspek ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto at ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa umiiral na batas.

Dinala ang suspek sa Casimiro Ynares Sr. Memorial Hospital para sa pisikal at medikal na pagsusuri bago inilipat sa Rodriguez Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at proseso.