Yorme

Yorme tumanggap ng award Outstanding Rotarian award natanggap ni Mayor Isko

Edd Reyes Jul 31, 2026
42 Views

TINANGGAP ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang Outstanding Rotarian in Government Service award sa 46th handover at 47th induction ceremonies ng Rotary Club of Bagumbayan-Manila noong Huwebes sa Century Seafood Restaurant sa Roxas Boulevard.

Ibinahagi ng alkalde ang mga pangunahing programa at proyekto ng Maynila sa larangan ng kalusugan, edukasyon, pabahay, at paglikha ng trabaho.

“Higit sa lahat, salamat sa patuloy na tiwala at suporta ninyo sa Maynila. Dahil sa tiwalang iyan, tuloy-tuloy nating naibabalik sa mamamayan ang pondo ng lungsod sa pamamagitan ng mga programa para sa minimum basic needs,” sabi ni Mayor Isko.

Binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng transparency sa pamahalaan at tiniyak na nananatiling bukas ang kanyang tanggapan para sa lahat ng nangangailangan ng tulong.

“Kung sakali namang maranasan ninyo ang aming imperfection, may kumatok sa inyong bahay o negosyo, huwag kayong magdadalawang-isip. Parang palengke ang opisina ko; parang karinderya, bukas para sa kahit sino.

At para po sa mga nagtatanong, hindo po ako aalis sa Maynila. Dito ang laban natin. Dito tayo nagsimula at hangga’t kaya kong maglingkod, dito lang tayo sa tabi ng mga batang Maynila,” ayon sa kanya.