AFP

Young Guns pinuri AFP sa BRP Sierra Madre

380 Views

PINURI ng Young Guns ng Kamara ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang matatag na paninindigan sa pagbabantay ng integridad ng teritoryo ng bansa.

Kinilala ng Young Guns ang dedikasyon ng AFP sa pagdepensa sa pambansang seguridad kasunod ng tangkang pag akyat ng puwersa ng China sa nakasadsad na barko na BRP Sierra Madre sa West Philippine Sea.

Ang BRP Sierra Madre, na sinadyang isadsad sa Ayungin Shoal noong 1999, ay nagsisilbing kritikal na simbolo na ang lugar ay sakop ng Pilipinas at isang mahalagang himpilan ng tropa ng gobyerno sa West Philippine Sea.

Nauna rito sinabi ni Armed Forces Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., na nag-utos sa mga tropa na pigilan ang mga tauhan ng Tsina na makasampa sa BRP Sierra Madre anuman ang mangyari.

Ipinapakita anila nito ang dedikasyon ng AFP sa pangangalaga ng karapatan ng Pilipinas sa gitna ng tumitinding tensyon sa South China Sea.

Binigyang-diin ni Deputy Speaker Paolo Ortega, kinatawan ng Unang Distrito ng La Union, ang tapang at propesyonalismo ng mga tropang Pilipino. “The Armed Forces of the Philippines have once again demonstrated their unyielding spirit in protecting our maritime domain. Under the leadership of Gen. Brawner, our soldiers are the frontline guardians of our sovereignty, and we stand firmly behind them in this critical mission,” ani Ortega.

Ipinunto naman ni Deputy Speaker Jay Khonghun ang estratehikong kahalagahan ng West Philippine Sea sa bansa. “This incident is a stark reminder of the ongoing threats to our nation’s interests. The AFP’s firm stance sends a powerful message to aggressors that the Philippines will not yield an inch of our territory. We applaud their vigilance and readiness to defend our rights under international law,” pahayag ni Khonghun.

Dagdag naman ni Congressman Ernix Dionisio, na kilala sa kanyang adbokasiya sa usaping pambansang seguridad, “Ang kabayanihan na ipinakita ng ating mga tropa sa BRP Sierra Madre ay patunay ng kahusayan at patriotismo ng AFP. Sa mga mapanghamong panahong ito, ang kanilang mga aksyon ay hindi lamang nagpoprotekta sa ating karagatan kundi nagbibigay-inspirasyon sa buong bansa. Buong suporta ang Young Guns sa AFP at nananawagan kami ng patuloy na pagkakaisa para palakasin ang ating kakayahan sa depensa.”

Binigyang pugay ni Dionisio ang Armed Forces of the Philippines at kay Armed Forces Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa kanilang huwarang pamumuno sa pag-utos sa mga tropa na huwag hayaang makasampa ang mga tauhan ng Tsina sa BRP Sierra Madre, na lalo pang nagpapatibay sa pagtinding ng bansa laban sa panlabas na banta.

Binigyang-diin din ni Congressman Zia Alonto Adiong, na kumakatawan sa iba’t ibang tinig sa loob ng koalisyon, ang mas malawak na epekto nito sa kapayapaan ng rehiyon. “We praise the AFP for their disciplined response and for upholding the rule of law in the face of provocation. This is not just about one vessel; it’s about preserving peace and stability in the Indo-Pacific. The BRP Sierra Madre embodies our nation’s resolve, and our armed forces deserve the gratitude and full backing of every Filipino,” ani Adiong.

Matatag na nakikiisa ang Young Guns kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang mariing paninindigan na hindi isusuko ang kahit isang pulgada ng teritoryo ng Pilipinas.