Just In

Calendar

August 2026
M T W T F S S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
BIgas1

10 kilong bigas mula sa ‘Bawat Bahay Mabibigyan’ na programa ng Calapan

Helen D. Prado Aug 15, 2026
20 Views

BigasCALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Ipinatutupad sa siyudad na ito sa pangunguna ni Mayor Doy Leachon ang programang “Bawat Bahay Mabibigyan,” na nasa pamamahala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung saan makatatanggap ng 10 kilong bigas ang bawat kabahayan.

Ang pondo sa programa ay nagmula sa pambansang pamahalaan at dinagdagan ng lokal na pamahalaan.

Nakatakda ang pamamahagi noong Sabado matapos ang unang bahagi noong nakaraang linggo.

Sa batch 5, pupunta ang programa sa Mahal na Pangalan, Balite, Pachoca, Tibag, Sto. Niño, Libis, Ilaya at Bondoc.

Sa Linggo, dadalhin ang programa sa Lumangbayan, Lalud, Tawiran, Masipit, Sta. Isabel, Guinobatan, Sapul, Bayanan II at Bayanan I.

Bahagi ito ng layunin ng administrasyong Marcos na maghatid ng tulong sa bawat pamilyang Pilipino.

Bumuhos ang pasalamat ng mga benepisyaryo sa isang pamahalaang tunay na kumikilos at naghahatid ng serbisyong ramdam sa bawal tahanan.

Hinihikayat ang mga residente na bisitahin ang Facebook page ng lungsod para sa iba pang detalye.