Calendar
Transmission rate magmamahal nitong Agosto
TATAAS ang singil sa mga konsyumer ng transmission mula sa mga pribadong distribution utility at electric cooperative sa Agosto dahil sa pagtaas ng ancillary service (AS) rates.
Ang AS rates – mga pass-through cost para sa kuryenteng pambalanse ng grid sa mga pagkakataong may supply-demand imbalance – ay tumaas ng 30.85 porsiyento, mula P0.7941/kWh noong Hunyo sa P1.0391/kWh noong July billing period.
Binigyang-diin ng NGCP na wala silang kinikita sa AS at hindi nakikinabang sa anumang pagbabago sa presyo nito dahil ang mga ito ay direktang ibinabayad sa mga generation company na may bilateral contract sa NGCP at sa Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP) para sa AS na nagmumula sa Reserve Market.
Bahagya namang tumaas ang transmission wheeling rate ng NGCP, o ang bayad sa paghahatid ng kuryente sa pamamagitan ng transmission grid, mula P0.5044/kWh noong Hunyo sa P0.5436/kWh noong Hulyo.
Ang katumbas na average transmission rate para sa mga distribution utility at electric cooperative para sa billing period ng July 2026 – na sisingilin ngayong Agosto – ay tumaas ng 22.22 porsiyento na nasa P1.7560/kWh mula sa P1.4367/kWh noong Hunyo.
“Bilang System Operator, tungkulin ng NGCP na tiyakin ang katatagan at pagiging maaasahan ng grid, lalo na sa mga panahon ng hindi pagkakapantay ng supply at demand,” pahayag ng NGCP.
