4PH program net satisfaction rating tumaas

Arlene Rivera Aug 15, 2026
26 Views

TUMAAS ang net satisfaction rating ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ng +48 sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey.

Tumaas ng tatlong puntos ang net satisfaction rate ng programa mula sa +45 noong 1st quarter 2026 SWS survey.

Lumalabas na kasama ang pabahay project ng pamahalaan sa mga aprubadong programa ng pamahalaan kahanay ng education, assistance to the poor, generating job opportunities, science at technology at food security.

Ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang nasa likod ng Expanded 4PH Program, ang flagship initiative ng gobyerno para malutas ang housing backlog.

Base sa huling State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo noong Hulyo, umabot na sa 575,693 housing units ang naipapagawa ng pamahalaan.

“Masaya po kami sa latest survey result na ito — ibig sabihin ay tama ang direksyong tinatahak natin sa pagpapatupad ng Expanded 4PH Program. At the same time, challenge din ito for the housing sector to sustain our gains at siyempre upang mas pagbutihin pa ang aming trabaho,” sinabi ni DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling.

“Alinsunod sa direktiba ng Pangulo, mas paiigtingin po ng DHSUD kasama na ang aming mga key shelter agencies ang pagsusulong sa Expanded 4PH upang mas maraming pamilyang Pilipino pa ang matupad ang pinapangarap na sariling tahanan,” dagdag niya.