Calendar
16 lugar nakalagay sa Signal No. 1 dahil kay ‘Marisol’
NAKATAAS ang Tropical Cyclone Signal No. 1 sa 16 na lugar sa banda dahil sa tropical depression “Mirasol”.
Sa inilabas na weather bulletin ala-5 ng hapon, itinaas ang Tropical Cyclone Signal No. 1 sa Luzon na kinabibiangan ng Batanes, Cagayan including Babuyan Islands, Isabela, Quirino, the northeastern portion of Nueva Vizcaya (Diadi, Quezon, Kasibu, Dupax del Norte, Bambang, Ambaguio, Bayombong, Solano, Villaverde, Bagabag), the northern and central portions of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler), Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Polillo Islands, the northern portion of Camarines Norte (Vinzons, Capalonga, Jose Panganiban, Paracale, Talisay, Daet, Mercedes), the northeastern portion of Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Presentacion, Lagonoy, Siruma, Tinambac, Goa, San Jose), at Catanduanes.
Ayon sa Pagasa, ang sentro ng tropical depression Mirasol ay namataasn sa layong 210 kilometer East Northeast ng Infanta, Quezon. Ito ay may lakas na hanging 55 kilometro kada oras malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 70 kilometer per hour.
Tinatayang magpapatuloy sa paggalaw ang bagyo pahilagang-kanluran at bahagyang bababa habang papalapit ito sa lugar ng Isabela-Aurora.
Sa forecast track, maaaring maglandfall ang sentro ng bagyo sa Isabela o hilagang bahagi ng Aurora ngayong Miyerkules ng umaga.
Pagsapit ng Huwebes (Setyembre 18) ng umaga, lalabas ang bagyo sa sa ibabaw ng Luzon Strait at magpapatuloy sa paggalaw sa hilagang-kanluran hanggang sa lumabas ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa pagitan ng hapon at gabi.
Bahagyang hihina si Mirasol habang binabagtas nito ang Northern Luzon landmass.
Kapag ito ay nasa ibabaw ng West Philippine Sea, ito ay tinatayang lalakas at aabot sa kategoryang tropical storm sa Huwebes ng hapon o gabi.
Nauna nang itinaas ng Pagas ang La Niña alert, na nangangahulugan ng above-average na bilang ng mga tropical cyclone occurrences sa pagtatapos ng taon.
Samantala, nauna nang sinabi ng state weather bureau na ang isa pang LPA sa loob ng PAR na binabantayan sa kanluran ng Calapan, Oriental Mindoro ay may posibilidad na maging tropical depression.

