Calendar
BI hinuli 2 Chinese nationals na sangkot sa scam hub
INARESTO ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit (FSU) ng Bureau of Immigration (BI) noong Biyernes ang dalawang Chinese national na sangkot sa pagpapatakbo ng isang love scam hub na tumatarget ng mga Europeans at Japanese.
Ayon kay BI FSU Chief Rendel Ryan Sy, naaresto si Wang Huihuang, 30, na pinaniniwalaang pinuno ng scam hub na may opisina sa Gonzalo Puyat St., Quiapo, Maynila.
Nahuli din si Liu Lin, 35, na sinasabing manager ng scam hub.
Nasamsam sa dalawa ang anim na computers na ginagamit sa mga dating sites, iba’t-ibang social media accounts, messaging platforms, translator apps at iba pang digital devices.
Ginagamit umano ang mga ito upang linlangin ang mga biktima sa pamamagitan ng pekeng romantikong ugnayan na may layuning makapanloko ng salapi.
Batay sa beripikasyon sa database ng BI, ang dalawang Chinese nationals ay overstaying aliens at walang maipakitang pasaporte o anumang balidong dokumento sa imigrasyon.

