Cyclone

17 cyclone maaaring pumasok sa PH hanggang Enero ’26

185 Views

POSIBLENG umabot sa tatlong tropical cyclone ang inaasahan sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong buwan, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) nitong Biyernes.

Sa update, sinabi ng Pagasa na 17 tropical cyclones ang maaaring pumasok o ma-develop sa PAR mula Agosto ngayong taon hanggang Enero sa susunod na taon.

Ang inaasahang bilang ng mga tropical cyclone sa buwan ng Agosto ay 2 hanggang 3 habang sa September – 2-4; October – 2-4; November – 2-3; December – 1-2, at sa zero o isa sa Enero sa susunod na taon.

Ayon sa Pagasa, makikita sa infographic na nasa ibaba ang climatological tracks ng mga bagyong dumaan at pumasok ng PAR mula taong 1948 hanggang 2015 at ang bilang ng mga bagyo na maaring mabuo kada buwan.

“Ang pagtaya na ito ay base sa 186th Climate Outlook Forum ng ahensya noong ika-29 ng Hulyo 2025,” paliwanag ng ahensiya.

Sinabi ng Pagasa na ang susunod na update ay inaasahang ilalabas sa Agosto 27.