PCG

170 serbisyong konsular naibigay ng PCG-NY sa Albany outreach mission

96 Views

PCG1Gala3

ANG Konsulado ng Pilipinas sa New York ay nagpadala ng grupo para sa mga serbisyong konsular sa mga kababayan upang magsagawa ng consular outreach sa Albany, New York noong Nob. 14 at 15.

Nasa 170 na serbisyong konsular—kabilang ang mga may kaugnayan sa pasaporte, dual citizenship, notarisasyon, at civil registration—ang naibigay.

Bukod dito, 25 indibidwal din ang natulungan sa pagpaparehistro para sa pagboto sa ibang bansa.

Nagbigay rin ang grupo ng tulong sa komunidad kaugnay ng iba pang mga katanungang konsular.

Nakipagtulungan ang Konsulado sa Kalayaan 1521 Council Inc., isang non-profit organization na nakatuon sa pagtataguyod ng kulturang Pilipino at pamana ng lahi.

Nakaakit ang outreach ng mga Pilipino mula sa rehiyon ng Western New York, at sa mga miyembro ng iba pang komunidad.

Nagpahayag ng pasasalamat ang mga miyembro ng komunidad sa mga pagsisikap ng Konsulado sa Upstate New York.

Ang lungsod ng Albany ay ang kabisera ng estado ng New York at tahanan ng lehislatura nito.

Dito rin nanunungkulan ang halal na politiko na may dugong Pilipino—ang miyembro ng State Assembly na si Steven Raga.

Dumalo rin sa okasyon si Assembly member Gabriella Romero, na matagal nang tagasuporta ng komunidad ng mga Pilipino mula pa noong siya ay nagsisilbi bilang konsehal sa Lungsod ng Albany.

Tinatayang nasa 50,966 na Pilipino sa estado na naninirahan sa labas ng New York City.