Calendar
Provincial
1,757 PAMILYA SA PUERTO GALERA, NABIAYAAN NG TULONG-BIGAS MULA SA PAMAHALAAN
Helen D. Prado
Aug 5, 2026
220
Views
PUERTO GALERA, Oriental Mindoro — Umabot sa 1,757 mahihirap na pamilya sa bayan ng Puerto Galera ang nakatanggap ng tig-10 kilong bigas sa ilalim ng Food Assistance Project ng Pamahalaang Nasyunal.
Ang nasabing inisyatibo ay isinakatuparan sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., upang magpaabot ng direktang suporta at tulong-pagkain sa mga mamamayan.
Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Bonz Dolor, mabilis at maayos na ipinalabas ang ayuda para sa mga pamilyang higit na nangangailangan sa naturang bayan.
Layunin ng proyektong ito na maibsan ang pang-araw-araw na gastusin at tiyakin ang seguridad sa pagkain ng mga pamilyang kabilang sa marginalized sector sa lalawigan.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

