Bayan

2 bayan sa NV kinilala si Cayton

Mar Rodriguez Sep 16, 2026
150 Views
NAGPAHAYAG ang dalawang Sangguniang Bayan ng pagbati at suporta kay Nueva Vizcaya Rep. Atty. Timothy Joseph Cayton para sa kanyang bagong responsibilidad sa Kongreso sa pamamagitan ng Resolution No. 251, S-2026 ng Dupax del Norte at Resolution No. 370-2026-12 ng Solano.
Ayon kay Cayton, ang pagkilalang ito ay nagsisilbing dagdag-inspirasyon upang higit pang magsikap sa paglilingkod, panatilihin ang integridad sa pagtupad ng tungkulin, at patuloy na ipagmalaki ang pagkatawan sa mga mamamayan ng Nueva Vizcaya sa Kongreso.

Nagpasalamat din ang kongresista sa tiwala at pagkilalang ipinagkaloob ng dalawang lokal na pamahalaan, na aniya ay nagbibigay sa kanya ng dagdag-lakas upang ipagpatuloy ang kanyang serbisyo publiko.

“Maraming salamat sa inyong tiwala at pagkilala. Ang inyong suporta ay dagdag-lakas sa patuloy na paglilingkod,” pahayag ni Cayton.

Sa kanyang bagong tungkulin bilang Assistant Majority Leader, inaasahang patuloy na magiging aktibo si Cayton sa mga gawain at deliberasyon ng Kamara habang isinusulong ang mga programa at batas na makatutulong sa mga Novo Vizcayano.