448 panukalang batas ipinasa ng Kamara–Speaker Dy
Oct 13, 2026
’27 budget pasado na–Speaker Dy
Oct 13, 2026
Calendar
Provincial
2 bgy sa Mabini may bagong sementadong kalsada, mga residente todo pasasalamat sa mga Luistro
Jojo Cesar Magsombol
Oct 13, 2026
14
Views

MABINI, BATANGAS—Abot-langit ang pasasalamat ng mga residente ng Barangay Malimatoc 2 at Barangay Nagiba sa mag-asawang pampublikong lingkod na sina Congresswoman Jinky Luistro at Mayor Noel Luistro matapos pormal nang mabuksan ang bagong kalsada sa kanilang lugar.
Ayon sa mga lokal na mamamayan, matinding ginhawa at kaligtasan sa biyahe ang hatid ng nasabing kalsada kumpara sa dating daanan.
Hindi lang basta semento at daanan ang naturang proyekto kundi nagsisilbi ring tulay para sa mas maraming oportunidad, mabilis na transportasyon ng paninda, at pag-unlad ng pamayanan.
Napakalaking tulong nito sa aming pang-araw-araw na pamumuhay. “Maraming salamat sa serbisyong may tunay na malasakit at ramdam ng taumbayan!” pahayag ng mga residente.
Crime incidents sa CL bumaba ng 14.6%
Oct 12, 2026
SUV vs motor; 1 pumanaw
Oct 12, 2026
Misis dedo matapos saksakin ni mister sa bahay
Oct 12, 2026
