Calendar
Mga residente ng Alangalang patuloy na nagdarasal para kay Romualdez
PATULOY ang pag-aalay ng panalangin ng mga residente ng Alangalang, Leyte para sa kanilang kinatawan sa unang distrito ng Leyte na si dating House Speaker, Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez.
Nagsagawa ng isang Banal na Misa para kay Romualdez sa Most Holy Trinity Parish sa Alangalang.
Dumalo rito ang mga residente na sama-samang nanalangin para sa kaniyang kalusugan at patuloy na paggabay sa pagtupad ng kaniyang tungkulin sa paglilingkod sa publiko.
Ito na ang ikatlong Misa na inialay para sa kongresista nitong mga nakaraang araw.
Nauna nang nagsagawa ng mga pagtitipon ng panalangin sa V&G Subdivision sa Tacloban City at sa bayan ng Tolosa, Leyte.
Para sa mga dumalo, ang sama-samang pagdarasal ay isang simpleng pagpapahayag ng kanilang pagmamalasakit, pananampalataya, at suporta sa mambabatas.
Patuloy na ipinakikita ng mga taga-Leyte ang kanilang pakikiisa sa pamamagitan ng panalangin para kay Romualdez.
Ang mga naturang pagtitipon ay sumasalamin sa pananampalataya at malasakit ng komunidad sa kanilang kinatawan, habang patuloy silang umaasa sa kaniyang mabuting kalagayan at paggabay sa kaniyang paglilingkod sa bayan.

