Calendar
Sinisiyasat ng mga awtoridad ang mga labi ng mga biktima na natagpuan kapwa wala ng buhay sa loob ng dormitoryo sa Sampaloc, Manila.
2 estudyante natagpuang walang buhay sa dormitoryo
NAKABIGTI gamit ang kadena at nakatali mula sa kisame ang lalaki habang ang babae ay nakita na naka higa sa kama at nakakumot na kapwa wala ng buhay matapos matagpuan sa loob ng Unit 4-6, ika-apat na palapag ng isang establisyemento na dormitory na matatagpuan sa Sampaloc, Manila noong Biyernes.
Nakilala ang mga biktima na sina alyas Mar, 21; at AJ, 21.
Ayon sa report ni PMSg Roderick Magpale ng MPD Homicide, bandang alas-7:30 ng umaga ng madiskubre ang mga labi ng mga estudyante sa nasabing dormitoryo.
Base sa salaysay ng saksi, pumunta siya sa nasabing dormitoryo upang tingnan ang kalagayan ng kanyang anak na babae.
Pagpasok nila sa unit, natuklasan ang wala nang mga buhay na katawan ng unang biktima na nakabitin sa kisame, habang ang ikalawang biktima naman ay nakahiga sa kama.
Dumating din si PMSg Roderick O. Magpale ng MPD Homicide Section upang pangasiwaan ang kaso, gayundin ang MPD-SOCO sa pamumuno ni PMAJ Michael Abel at tatlo pang tauhan upang magsagawa ng pagsusuri sa pinangyarihan ng krimen.

