Nakaw2 Itinuturo ng Alfamart officers ang apat na suspects habang nasa sahig ang mga narekober na ninakaw na items.

2 MAG-INA, 2 MAG-TITO TIKLO NG NUEVA ECIJA PNP SA PAGNANAKAW SA ALFAMART

Steve A. Gosuico Nov 26, 2026
305 Views
Nakaw1
Litrato ng kolong kolong na getaway vehicle ng mga suspects

Nakaw3

Nakaw5
Screenshots ng CCTV footage ng nangyaring robbery break-in. Aliaga PNP.
Source: Aliaga PNP

ALIAGA, Nueva Ecija – Tila isang “family-run crime gang” ang nabuwag umano ng kapulisan dito nang bumagsak sa kamay ng batas ang apat na suspects na mag-nanay at mag-tito na nanloob at nagnakaw umano sa Alfamart branch dito at tumangay umano ng pera sa ATM at mga paninda na aabot sa kabuuang P157,155.

Kinilala ang naarestong suspect na mag-ina na sina alias Leonina, 60, at alias Cielo, 34, kapwa ng Bgy. Balon-anito, Mariveles, Bataan at mag-tito na alias Virgilio, 55, at Alias Reymart, 29, ng Bgy. Purong Sur, Malasique, Pangasinan.

Nasakote ang mga suspects dahil sa masusi at matiyagang forward tracking at back-tracking ng CCTV footages ng mga imbestigador sa lugar na pinangyarihan ng krimen sa Bgy. San Felipe Matanda at katabing barangay na San Felipe Bata, ayon kay police head Captain Ray Ferdinand E. Cruz.

Sa ulat kay Nueva Ecija top cop Col. Ritchie R. Claravall, nahuli ang mga suspects matapos sumentro ang imbestigasyon sa pagtunton ng pagkakakilanlan ng isang kolong-kolong na motorsiklo na sakay ang dalawang indibidwal sa eksaktong oras na nangyari ang krimen.

Ayon kay chief investigator PSMS Jonic M. Torio, dumaan sa bukid ang mga suspects at doon sila sa likurang bahagi ng gusali ng Alfamart unang umentrada.

Sa imbestigasyon, pinasok ang Alfamart dakong 12:57 a.m. ng Nobyembre 8, 2026 at tinangay dito ang pera sa Pay and Go ATM na nagkakahalaga ng P64,200, at grocery items na P92,955 para sa kabuuang P157,155 na ninakaw.

Na-i-ulat sa pulisya ng isang empleyado ng Alfamart ang nakawan dakong 6:40 a.m.

Tinunton ang sinasabing kolong-kolong na nagsilbing get-away vehicle ng mga suspects at itinuro ito na nakikita sa isang rented apartment sa Purok Acacia, Bgy. Pangatian, Cabanatuan City na inupahan umano ng isa sa mga suspects na si Alias Leonina.

Natagpuan sa inupahang apartment ang umano mga ninakaw na paninda na nakasilid sa isang Alfamart shopping bag na naglalaman ng: isang Toblerone chocolate; anim na piraso ng Goya chocolate; isang lata Spam; isang Cobra energy drink; apat na packs ng Nescafe coffee twin pack; dalawang piraso ng Alfamart brand lighter; isa kaha Winston cigarettes lights; at mga piraso ng wrappers ng Cadbury at Snickers chocolate; isang pala (shovel) at isang bladed weapon (panabas).

Narekober din mula sa bahay ni alias Virgilio ang dalawang black bonnets na ginamit sa krimen.

Narekober din mula sa bahay nito ang mga sumusunod: four packs Nescafe; 15 packs Kopiko brown; four packs Tofiluk chocolate; dalawang piraso ng M&M chocolate; one piece Hershey’s chocolate; tatlong kahon ng Bear Brand milk 840grams; isang piraso ng Bear Brand milk 300 grams; one piece Nestogen 340 grams; one can Tulip luncheon meat; one can Spam Lite; and one piece Alfamart lighter.

Ayon kay Captain Cruz, nai-inquest na sa kasong robbery ang apat na naarestong mga suspects kay Nueva Ecija deputy provincial prosecutor Lord Jayson B. Nagaño.

Samantala, nahaharap din sa kahalintulad na kaso ang dalawa pang kilalang kasabwat sa krimen na still at-large at on-going ang manhunt operations laban sa kanila.