Calendar
2 suspek sa krimen swak sa selda sa Laguna
CAMP BGEN VICENTE Lim, Laguna–Dalawang suspek sa pagpatay at panghahalay ang naaresto sa San Pablo at San Pedro City noong Oktubre 6.
Unang naaresto ng mga operatiba ng San Pablo City police si alyas Dary dahil sa kasong murder sa loob ng Bureau of Jail and Management and Penology sa San Pablo District Jail sa Brgy. San Gregorio, San Pablo City, Laguna.
Naaresto naman ng mga operatiba ng San Pedro police si alyas Mokong para sa kasong panggagahasa. Naaresto si Mokong sa Brgy. Poblacion, San Pedro City.
“Sa pagtatalaga natin ng tracker team, lahat ng mga indibidwal na nagtatago sa batas ay matutunton.
Patunay ito ng ating dedikasyon upang matiyak ang kapayapaan, seguridad at katarungan para sa ating mga mamamayan,” sabi ni Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, hepe ng Police Regional Office-4A.
