Parak tiniklo 2 suspek sa pagpatay

Alfred Dalizon Oct 7, 2025
77 Views

DALAWA sa mga wanted na suspek sa pagpatay ang nahuli sa Masbate at Cavite noong Sabado, ayon kay Police Regional Office 5 director, Brigadier General Nestor Babagay Jr.

Isa sa mga nahuli si alyas Danilo, suspek sa kasong murder, na umano’y miyembro ng New People’s Army’s Kilusang Larangan North. Nahuli ang suspek sa Brgy. Baang, Mobo, Masbate.

Hinuli siya sa tulong ng warrant of arrest galing kay Judge Mary Flor Tabigue-Logarta ng Masbate City Regional Trial Court Branch 44.

Ang pangalawang naaresto, si alyas Gerson, naaresto sa Brgy. Manggahan, General Trias City, Cavite bandang alas-11:00 ng umaga dahil din sa pagpatay.

“Our tracker teams are hitting the ground supported by the CIDG and RIU5 through target intelligence packets from our barangay information networks,” sabi ni Brig. Gen. Babagay.