Calendar
Madrona humihingi ng tulong kay PBBM para sa mga kababayan na sinalanta ni Opong
NANANAWAGAN si Romblon Lone District Representative Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para sa ipapadalang tulong ng national government para sa mga kababayan nito sa naturang lalawigan na matinding sinalanta ng bagyong Opong.
Bagama’t ilang linggo na ang nakakaraan, humihingi parin ng tulong ang kongresista kay Pangulong Marcos, Jr. upang mapadalhan ng ayuda ang kaniyang mga kalalawigan dahil marami sa kanila ang luhbang naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Sinabi ni Madrona na nakikipag-ugnayan na ito sa labing-isang alkalde sa kanilang lalawigan para matukoy ang mga residente na nangangailangan ng tulong gayundin ang paghingi nito ng tulong sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng pamamahagi ng cash assistance relief.
Kasabay nito, sa ginanap na budget hearing ng DSWD sa Kamara de Representantes. Personal na ibinigay ni Madrona kay DSWD Secretary Rex Gatchalian ang “damage report” kaugnay sa pananalasa ng bagyong Opong sa kanilang lalawigan.
Kasama sa damage report ay ang larawan at documentation mula labing-pitong munisipalidad na validated ng MDRRMO at mga alkalde ng Romblon.
“We thank Secretary Rex and the entire DSWD team for their swift and proactive support. Even before the typhoon made landfall, food packs were already pre-positioned accross Romblon. Providing immediate relief to our evacuees and affected families,” pahayag ni Madrona.
